Madalas na katanungan

May bayad po ba kung gumamit ng inyong site?
Wala,ang JAPANBOXWORK ay libre at walang anumang dapat bayaran.

 
Paano ako magparehistro?
Pindutin lang ang Magparehistro button na matatagpuan sa kanang sulok na nasa ibabaw ng page na ito.Punan ang kinakailangang impormasyon at pagkatapos ay pindutin ang "Enter"button na matagpuan sa ilalim ng page na ito,upang makumpleto ang iyong pagrehistro. 
 Maaari ko bang baguhin ang impormasyon ng aking account?
Oo, Madali mong mababago ang iyong impormasyon ,pindutin lang ang "Palitan ang impormasyon ng account" button na nakalagay sa ilalim ng iyong "My Page". Kapag mag-apply para sa isang trabaho, siguraduhing lagyan mo

ng iyong background at karanasan upang madagdagan ang iyong tsansa na makakuha ng mga interview galing sa kumpanyang inyong inapplayan.
Paano ako mag-apply para sa isang trabaho?
Pindutin lang ang "Mag-apply para sa trabahong ito" button na nasa ilalim ng listahan ng trabaho.
Ipapadala ba ang impormasyon ng aking account sa kumpanyang inaapplyan ko?
Oo, Ipapadala ito sa kumpanyang inaaplyan mo. Ang iyong personal na impormasyon ay hindi gagamitin sa anumang paraan maliban ito ay  ibigay ang iyong nakarehistrong impormasyon sa mga kumpanya na iyong inapplyan.
Ano ang dapat kong gawin pagkatapos kong mag-apply para sa isang trabaho?
Kapag nag-apply ka para sa isang trabaho, ipapadala ang iyong impormasyon sa kumpanya na iyong ina-applyan. Direktang makipag-ugnay sayo ang kumpanya sa pamamagitan ng iyong nakarehistrong email address o mensahe ng JAPANBOX "MY PAGE" tungkol sa mga panayam, alok na trabaho, atbp. Intindihin na kapag marami kang inaaplayan,maari din na walang tugon na matatanggap galing sa mga kumpanya ng iyong inapplyan.
Maaari ba akong mag-apply sa higit sa isang kumpanya?
Oo
Saan ko maaaring palitan ang aking password?
Upang baguhin ang iyong password, pindutin lang ang  "Palitan ang impormasyon ng account" button na nasa ilalim ng "My Page"
Maari ba akong mag-apply ng mga trabaho kahit hindi marunong sa wikang Hapon?
Depende sa kumpanya.Kung nag-apply ka sa ibang wika at iba sa wikang Hapon, maaaring hindi ka makakatanggap ng tugon,ito ay nagdedepende sa kumpanya.

 
Maaari bang makahanap ng isang kumpanya na magbibigay ng suporta sa visa?
Oo,  Mangyaring pumunta sa Mas detalyadong pagsearch at sa loob nito may checkbox nakalagay  ang mga”Katangian ng Kumpanya” lagyan ng check ang  "Suporta sa visa" at click search.

 
Maaari ba akong mag-apply mula sa ibang bansa?
Oo ,Mangyaring pumunta sa Mas detalyadong pagsearch at sa loob nito may checkbox nakalagay “Katangian ng Kumpanya” lagyan ng check ang “Tumatanggap ng aplikasyon mula ibang bansa” at click search.
Maaari bang maghanap ng trabaho ang mga mag-aaral galing sa ibang bansa?
Oo Mangyaringp pumunta sa Mas detalyadong pagsearch at sa loob nito may checkbox nakalagay “Popular na katangian ng trabaho” lagyan ng check ang "Pwede ang international students” at click search

 
Maaari ba akong maghanap ng mga trabaho kung saan hindi kinakailangan ang kakayahan sa pagsasalita ng Hapon?
Oo,  Mangyaring pumunta sa Mas detalyadong pagsearch at sa loob nito may checkbox nakalagay  ang mga “Abilidad magsalita ng wikang Hapon” lagyan ng check ang “Hindi kailangan ng kakayahan tungkol sawikang Hapon”at click search.
Hindi ako makapag-umpisang magtrabaho ngayon. Maaari ba akong mag-apply?
Depende ito sa kumpanya. Mangyaring isulat na hindi ka maaaring magsimulang magtrabaho kaagad sa checkbox na "Iba Pa" sa form ng aplikasyon, o talakayin at sabihin  ito sa recruiter pagkatapos mong mag-apply.

 
Ano ang dapat kong gawin kung malaman ko na ang aktwal na mga kundisyon ng trabaho ay naiiba sa mga tinukoy sa listahan?
Makikipag-ugnay kami sa kumpanya upang iwasto ang kanilang impormasyon sa listahan. Kung sa palagay mo ang isang listahan ay naglalaman ng maling impormasyon, mangyaring makipag-ugnay sa JAPANBOX sa pamamagitan ng pag-contact sa aming tanggapan.